external image 22008852260235l.jpg
(http://www.bobongbooks.com/scripts/smf/index.php?topic=3615.45)
PINOY SUPERHEROES

Sa kasaysayan ng ating bayan, nagkaroon tayo ng maraming mga bayani na nakipaglaban para sa ating kalayaan katulad nina Rizal, Aguinaldo, Bonifacio, Ninoy at iba pa. Ngunit narinig mo na ba ang mga SUPERheroes sa ating bayan? Sigurado ko na kilala mo sina Superman, Spiderman, Batman at kung sinu-sino pang Man pero baka hindi mo pa nakikilala sina Captain Barbell, Darna, Lastikman at iba pang mga Pinoy Superheroes.

Kasaysayan


Nagsimula ang Pinoy Superheroes noong 1946. Noon, ang Pilipinas ay katatapos pa lamang sakupin ng mga Amerikano, pagkatapos ng pananakop ng mga Hapon. Ang unang Pinoy Superhero ay si Siopawman, isang superherong nakakatawa na ginawa ni Larry Alcala.
external image siopawman01.jpg
Si Siopawman
(http://media.photobucket.com/image/siopawman/potokmb/siopawman01.jpg)

Ang unang TUNAY na Pinoy Superhero ay si Ipo-Ipo. Ginawa siya nina Lib Abrena at Oscar del Rosario noong 1946 sa Magasin ng Pagsilang. Nakukuha niya ang kanyang kapangyarihan sa lakas ng ipo-ipo, o sa Ingles "whirlwind," at ito ang dahilan na kung bakit siyang tinatawag na "Ipo-Ipo." Kalaban niya ang mga mapang-aping sundalong Hapon.

Noong 1947, ginawa ni Mars Ravelo si Varga para sa Bulaklak Magazine. Nang umalis siya sa Bulaklak, sumali siya Ace Publications. Doon niya pinalitan si Varga at ginawa muli bilang Darna. Naging siyang pinakapopular na Pinoy Superhero(ine) at ito ay naging inspirasyon sa iba na lumikha ng mga komik superhero.
external image cover_01.jpg
Darna
(http://www.kabayancentral.com/onlyindphil/cover_01.jpg)

Para makaagaw-atensyon sa mga lalaking mambabasa, nilikha ni Ravelo si Captain Barbell, ang tunay na pagkatao ay si Tenteng. Siya ay isang kawawa at mahirap na bata na laging inaaway ng mga tao dahil sa kanyang hitsura at gusto niyang maging malakas para hindi na siyang tutuksuin ng mga tao. Nakabili (o nakahanap) siya ng isang lumang barbell, na may mahika pala. Binibigyan siya ng kapangyarihan ng lakas, pagkalipad, bilis at iba pa. Siya ay ang Pinoy na katumbas ni Superman.external image capbarbell2.jpg

Mayroon pang ibang mga Pinoy Superheroes na patuloy na nililikha ng mga manunulat at kartunista.

Kahalagahan sa mga Pilipino


Kahit na parang kopya lang ng mga Marvel at DC Superheroes ang mga Pinoy Superheroes, may importansya pa rin ang mga ito sa ating bayan. Maraming mga Pinoy Superheroes na mahirap at biktima ng pang-aabuso. Sumisimbolo ito sa mga masang Pilipino na mahirap dahil sa korapsyon ng gobyerno at binigyan sila ng pagkakataon na makita ang kanilang sitwasyon sa mga superheroes na ito at nagkaroon sila ng pag-asa sa buhay. Ang tema ng mga Pinoy Superheroes ay naiiba mula sa mga Amerikano dahil ito ay nakapokus sa pangkabuhayan ng mga mahihirap.

Naging din itong libangan ng mga Pinoy, mas lalo na noong wala pang telebisyon o radyo. Ang mga komiks ay nagsilbing murang libangan para sa masang Pilipino.

Naging inspirasyon din ito sa mga Pilipino dahil pinakita ito na maaaring gumawa rin ng sining ang mga Pilipino, at hindi lang mga Amerikano.

Trivia


May maraming mga pelikula tungkol kay Darna na ginanapan ng iba't ibang mga artistang Pilipino katulad nina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Anjanette Abayari at iba pa.


Darna laban kay Babaeng Anakonda
(http://www.youtube.com/watch?v=aIOSK7WWAzw)

Dati, may isang kumpanya ng komiks na ang pangalan ay Darna Komiks.

Marami ring pelikula si Captain Barbell. Ginampanan nina Edu Manzano, Dolphy, Bong Revilla, Richard Gutierrez at iba pa.


Si Edu Manzano bilang Captain Barbell
(http://www.youtube.com/watch?v=JCzhTfpbKKw)

Sources


1. capbarbell2.jpg
2. http://pilipinokomiks.blogspot.com/2006/06/first-pinoy-komiks-superheroes.html
3. http://en.wikipedia.org/wiki/Captain_Barbell

Sean Ocier H3A / IB-B